Philippine chess team sumadsad sa Olympiad

MANILA, Philippines — Napalaban ng todo ang Philippine chess team kaya naman kinapos sila sa kanilang mga nakatunggali sa round 5 ng 46th World Chess Olympiad na nilalaro sa Silk Road International Exhibition Centre sa Samarkand, Uzbekistan Linggo ng gabi.
Sumadsad ang men’s team sa Uzbekistan, 1.5-2.5 upang mapako sa six match points at lumagapak sa 46th place kasama ang 49-nation.
May tsansa sanang makatabla sa bigating Uzbeks, hindi napansin ni International Master Michael Concio ang tamang tira para makahirit ng draw sa kalaban niyang si GM Abdimalik Abdisalimov sa 73 moves ng English duel sa top board.
Nakipaghatian naman ng puntos sina IM Paulo Bersamina, GM Daniel Quizon at IM Jem Garcia sa boards 2,3 at 4 at dahil talo si Concio ay nabigo ang Pilipinas na ang kanilang kampanya ay inisponsoran ng Philippine Sports Commission at suportado ng delegation head at Misamis Occidental Gov. na si Henry Oaminal, Sr.
Yumuko ang Filipinas sa 19th-seeded Spaniards, 1-3, kung saan ay tanging si WIM Jan Jodilyn Fronda ang nanalo matapos nitong pisakin si IM Ann Matnadze sa board three.
Pinayuko naman sina WGM Janelle Mae Frayna, WIM Ruelle Canino at Woman FIDE Master Shania Mae Mendoza ng kanilang mga nakalaban sa baord one, two at four, ayon sa pagkakasunod.
- Latest





















