^

PSN Palaro

Gilas nahubaran ng Asian Games Crown

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas nahubaran ng Asian Games Crown
Hindi makalusot si Sedrick Barefield ng Gilas sa depensa ng Kazakhstan player sa 20th Asian Games sa Nagoya, Japan.
Asian Games photo

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nama­alam sa kontensiyon ang Gilas Pilipinas nang anihin nito ang 61-105 masaklap na kabiguan kontra  China sa huling araw ng eliminasyon sa 2026 Asian Games kahapon sa Aichi International Arena sa Nagoya, Japan.

Walang sinayang na sandali ang China nang maglatag ito ng solidong laro mula umpisa hanggang dulo para hindi na makaporma pa ang Pinoy cagers.

Nailista pa ng China ang 66-30 kalamangan sa pagtatapos ng first half.

Hindi bumitiw ang China sa magandang momento sa second half nang umariba pa ito ng husto para palakihin sa 45 puntos ang kalamangan nito.

Nagawang maibaba ng Gilas Pilipinas ang lamang ng China sa 40-78 ngunit iyon na lamang ang naka­yanan ng Pinoy squad.

Nahulog ang Gilas Pilipinas sa 1-2 rekord habang magmamartsa sa quarterfinals ang China tangan ang malinis na 3-0 baraha.

Kasama ng China sa quarterfinals ang Bahrain na may 2-1 marka.

Malaking kawalan para sa Gilas ang ilang key pla­yers nito na hindi nakapaglaro kabilang na si naturalized player Justin Brownlee na kasalukuyan pang nagpapagaling sa injury.

Wala rin sina Kai Sotto, AJ Edu, Dwight Ramos, Kevin Quiambao at Carl Tamayo.

Kaya naman sinaman­tala ito ng China na matamis na nakaresbak sa Gilas.

Matatandaang pinatalsik ng Gilas ang China sa semifinals ng 2023 edisyon ng Asian Games sa Hangzhou, China.

Naitarak ng Gilas Pilipinas ang matamis na 77-76 panalo kontra sa China para mapasok sa finals.

Dominado ng China ang rebounding department kung saan humatak ito ng 55 boards laban sa 36 lamang ng Gilas.

Nanguna para sa China si Wang Junjie na may 20 puntos at 14 rebounds.

Tanging si Calvin Oftana ang nagtala ng double digits para sa Gilas bitbit ang 13 points habang may siyam na puntos naman si Sedrick Barefield.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with