Doncic-less Lakers iniligtas ni Hachimura

TORONTO - Ipinasok ni Rui Hachimura ang isang three-pointer mula sa pasa ni LeBron James sa pagtunog ng final buzzer para itakas ang Los Angeles Lakers laban sa Raptors, 123-120.
Nagbagsak si Austin Reaves ng 44 points, ang 22 ay ibinuhos niya sa third quarter, bukod sa 10 assists para sa saluhin ang naiwang trabaho ni Luka Doncic sa Los Angeles (16-5).
Umuwi si Doncic sa Slovenia para sa panganganak ng kanyang asawa.
Nagtapos naman ang NBA-record streak na 1,297 consecutive double-digit scoring games ni James sa regular season.
Tumipa ang 40-anyos na si James ng walong puntos mula sa mahinang 4-for-17 field goal shooting habang ang kanyang assist kay Hachimura ang kanyang pang-11.
Nag-ambag si Deandre Ayton ng 17 points at may 14 at tig-12 markers sina Jake LaRavia, Nate Smith Jr. at Hachimura, ayon sa pagkakasunod.
Matapos ang mintis na layup ni Ingram sa huling 23 segundo ng fourth period para sa Raptors ay pinasahan ni James si Hachimura sa corner para sa winning basket ng power forward na naglusot sa Lakers.
Sa iba pang laro, minasaker ng Boston Celtics ang Washington Wizards, 146-101; dinaig ng Utah Jazz ang Brooklyn Nets, 123-110; at tinalo ng Minnesota Timberwolves ang New Orleans Pelicans, 125-116.
- Latest



















