^

PSN Palaro

Flying Titans wagi sa Foxies

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Flying Titans wagi sa Foxies
Lusot ang hataw ni Royse Tubino ng Choco Mucho laban kina Chinnie Arroyo at Ckyle Tagsip ng Farm Fresh.
PVL photo

MANILA, Philippines — Isinara ng Choco Mucho ang elimination round sa pamamagitan ng 25-15, 24-26, 21-25, 25-21, 15-12 paglusot sa sibak nang Farm Fresh sa  2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Tinapos ng Flying Titans ang eliminasyon bitbit ang 9-2 record papasok sa single round semifinals habang nahulog ang Foxies sa 3-10 marka.

Humataw si Sisi Rondina ng 29 attacks mula sa 24 attacks at limang kill blocks para banderahan ang Choco Mucho na nagmula sa 17-25, 22-25, 19-25 kabiguan sa nagdedepensang Creamline.

Nabalewala naman ang career-high na 31 markers ni Trisha Tubu sa panig ng Farm Fresh.

Samantala, winalis ng Nxled ang Capital1 Solar Energy, 25-13, 25-23, 25-22, sa bakbakan ng dalawang sibak nang koponan.

Pumalo si Camille Victoria ng 17 points mula sa 14 attacks at tatlong blocks para sa 4-6 baraha ng Chameleons habang may 12 markers si Ivy Lacsina.

“Gusto naming maging memorable itong confe­rence na ito. Ibinigay namin ang best namin every game para mabigyan namin ng magandang laban ang mga kalaban namin,” ani Victoria.

Bagsak ang Solar S­pikers sa pang-pitong dikit na kamalasan para sa 1-9 karta.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with