^

PSN Palaro

Lady Spikers pinulutan ang Lady Eagles

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Lady Spikers pinulutan ang Lady Eagles
DLSU's Thea Gagate
SSL

MANILA, Philippines — Hindi na nagpatumpik-tumpik ang defending champions De La Salle Uni­versity matapos haru­ru­tin sa tatlong sets ang Ateneo, 25-12, 25-22, 25-19, sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kumana si Thea Gagate ng 15 points para sa Lady Spikers na inilista ang 3-1 record at saluhan sa se­cond spot ang Natio­nal University Lady Bulldogs.

Sinagasaan agad ng La Salle ang Ateneo sa sets 1 at 2 upang mamuro sa pagwalis sa karibal.

Nalasap ng Lady Eagles ang pangatlong talo sa apat na salang.

Sa unang laro, nilapa ng Lady Bulldogs ang University of the Philippines Lady Maroons, 25-17, 25-16, 25-17, para sa ikat­long sunod na ratsada.

Naglista si Evangeline Alinsug ng 15 points mula sa 13 attacks, 1 block at 1 ace para sa 3-1 kartada ng NU, habang nahulog ang UP sa 0-4 marka.

Nagdagdag sina Mhicaela Belen at Alyssa Solomon ng tig-10 markers para solohin ng NU ang liderato.

“We’re really happy na paunti-unti na po kaming na­kakabangon sa pagka­talo namin,” wika ni Belen sa kanilang kabiguan sa pagbubukas ng UAAP.

Sunod na makakaharap ng Lady Bulldogs ang FEU Lady Tamaraws.

vuukle comment

GAGATE

THEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with