^

PSN Palaro

Lady Spikers, Lady Falcons swak sa SSL quarterfinals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Lady Spikers, Lady Falcons swak sa SSL quarterfinals
Hinatawan ni Alleiah Malaluan ng La Salle ang dalawang CESAFI player sa Shakey’s Super League.

MANILA, Philippines — Kinumpleto ng De La Salle University at Adamson University ang 2-0 sweep sa kanilang mga grupo papasok sa quarterfinals ng 2023 Shakey’s Super League (SSL) National Invitationals kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Pinatumba ng reigning UAAP champion La Salle ang CESAFI runner-up University of Southern Phi-lippines Foundation, 25-14, 25-15, 25-19, tampok ang 13 points ni Alleiah Malaluan.

Nagdagdag sina Shevana Laput at Katrina Del Castillo ng tig-10 points para sa pagwalis ng Lady Spikers sa Pool A ng torneong inihahandog ng Eurotel, Victory Liner at Commission on Higher Education (CHED).

“Marami pa kaming kulang. Lalo iyong connection ng setters at spikers. Marami pang kailangang ayusin. Iyong mga unnecessary errors, kailangan masolusyonan,” ani La Salle assistant coach Noel Orcullo.

Hindi naglaro sina UAAP Rookie-MVP A­ngel Canino at ace libero Justine Jazareno sa pagpasok ng Lady Spikers sa knockout playoffs ng event na suportado ng Mikasa, Team Rebel Sports, Summit Bottled Water, Genius Sports, Potato Corner, Peri-Peri Charcoal Chicken and Sauce Bar at R&B Tea.

Binigo naman ng UAAP bronze medalist Adamson ang NCAA runner-up Lyceum, 25-17, 25-18, 25-22, sa likod ng 10 points ni Lucille Almonte sa Pool C.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Lady Falcons.

Swak din sa quarterfinals ang Perpetual (1-1) sa Pool A at Jose Maria College Foundation (1-1) sa Pool C habang nasibak ang USPF (0-2) at Lyceum (0-2).

vuukle comment

SPORTS

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with