Harden ‘di aalis sa 76ers
PHILADELPHIA — Pumayag si NBA star James Harden na lagdaan ang isang two-year, $68.6 million deal para manatili sa 76ers at muling makatambal si Joel Embiid.
Nauna nang tinanggihan ng 2018 NBA Most Valuable Player na gamitin ang kanyang $47.4 million player option para sa darating na coming season.
Makakatanggap si Harden ng $33 milyon sa 2022-23 season sa nasabing kontrata kasama ang $35.6 million player option para sa 2023-24.
Nagtala siya ng mga averages na 21 points, 10.5 assists at 7.1 rebounds sa 21 regular-season games para sa Philadelphia.
Pinapirma rin ng Sixers sina veteran forward P.J. Tucker at forward Danuel House.
- Latest