Thailand wagi sa Canada sa VNL
MANILA, Philippines — Ipinagpatuloy ng Thailand ang kanilang pananalasa sa Week 2 ng Volleyball Nations League (VNL) matapos iskoran ang Canada, 25-19, 25-22, 26-24, kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Humataw si Kokram Pimpichaya ng 21 points mula sa 10 attacks habang may 17 markers si Moksri Chatchu-On tampok ang 15 attacks para sa buong tatlong puntos ng mga Thais sa torneo.
Nagposte ang Thailand ng 3-1 record sa nakaraang Week 1 sa Ankara, Turkey kung saan nila tinalo ang Bulgaria, World No. 5 Serbia at World No. 3 China.
Ito ang ikaapat na panalo ng Thailand sa huli nilang limang laro para sa kanilang 11 points at sosyohan ang Japanese sa itaas.
Ang Week 2 ng VNL ay inihahandog ng PLDT katuwang ang The STAR, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Maynilad, Philippine Sports Commission at ng POC.
- Latest