^

PSN Palaro

Lady Spikers tangka ang 3rd win sa Lady Bulldogs

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Lady Spikers tangka ang 3rd win sa Lady Bulldogs
Parehong malinis sa dalawang laro, nakatakdang maghatawan ng bola ang Lady Spikers at Lady Bulldogs sa alas-4 ng hapon .
STAR/ File

MANILA, Philippines — Puntirya ng De La Salle University na panain ang pangatlong sunod na panalo sa pagharap nila sa National University sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament na gaganapin sa Mall of Asia.

Parehong malinis sa dalawang laro, nakatakdang maghatawan ng bola ang Lady Spikers at Lady Bulldogs sa alas-4 ng hapon .

Tinuhog ng Lady Spi­kers ang pangalawang sunod na panalo nitong Sabado matapos walisin ang ang Adamson University Lady Falcons 25-21, 25-20, 25-14.

Bida sina Jolina Dela Cruz at Alleiah Malaluan na kumana ng tig-12 points para sa panalo ng Taft-based squad DLSU, kaya tiyak na sila rin ang huhugutan ng lakas ng Lady Spikers.

Paniguradong bagong tasa naman ang pangil ng Lady Bulldogs, dahil tulad ng Lady Spikers, nais din nilang sagpangin ang pa­ngatlong sunod na panalo.

Sinisiw ng NU ang reigning champions Ateneo Blue Eagles, 25-22, 25-15, 22-25, 25-22 noong Sabado, kumana sina team captain Princess Robles at rookie Mhicaela Belen ng tig-18 puntos.

Samantala, maghaharap sa alas-10 ng umaga ang UST Golden Tigresses at UP Lady Maroons, magkalaban ang FEU Lady Tamaraws at UE Lady Warriors sa alas-12 ng tanghali habang magkatapat ang Ateneo at Adamson University sa alas-6 ng gabi.                                                                                                                                                               

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with