^

PSN Palaro

Platoon Run Challenge ipapasok sa Guinness Book

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatangkain ng mga organizers ng Platoon Run Challenge Olympics na maitala ang event sa Guinness Book of World Records bilang kauna-unahang group run.

“We want to have more participants as many as possible,” sabi kahapon ni Laban ng Lahi Camboayan Sports organizer Joenel Pogoy sa kanilang media press conference sa MOA Vikings.

Nanatili ang bilang ng mga kalahok sa Platoon Run Olympics 2022 na nahinto ng dalawang taon dahil sa pandemya.

Nakatakda ang event sa Disyembre 16-18 sa Cabadbaran City, Agusan del Norte kung saan ang bawat grupo ay binubuo ng 33 miyembro na mag-uunahan sa premyong P10 milyon.

“Hindi lamang ang mga ordinaryong runners, ma­ging ang kabuhayan ng mahihirap na mamamayan ang iaangat natin dito,” ani Pogoy. “Isama na natin ang pagpapalakas ng turismo sa Kamindanawan, ma­ging ang mahikayat natin ang ibang local province na maitaguyod nila ang kanilang kultura.”

Pinaka-espesyal na itatampok sa rutang tatahakin ng mga platoon runners ang isang kilo­metrong haba ng mga nakalatag na litson belly mula sa tagapagtaguyod na PRAI partylist na inihanda ni Ret. General Van Luspo.

Ang Running Team Calabarzon ang naghari sa 3rd edition ng Platoon Run Challenge noong 2019 sa Brgy. La Union, Cabadbaran City, Agusan del Norte.

vuukle comment

RUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with