^

PSN Palaro

Clarkson nanawagan ng tulong para sa nasalanta ni Odette

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Clarkson nanawagan ng tulong para sa nasalanta ni Odette
ordan Clarkson #00 of the Utah Jazz dribbles during the second quarter against the Philadelphia 76ers at Wells Fargo Center on March 03, 2021 in Philadelphia, Pennsylvania.
TIM NWACHUKWU / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / GETTY IMAGES VIA AFP

MANILA, Philippines — Sumama na rin si NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz sa listahan ng mga sports personalities na nanawagan upang tulungan ang mga nasalanta ng bagyong Odette sa Pilipinas.

Sa isang video message, ipinaabot ni Clarkson ang pagdamay nito sa mga naapektuhan ng bagyo.

“Our hearts go out to all the Filipinos affected by Odette. I’m reaching out to our fans in the Philippines to help out our Filipino friends,” ani Clarkson sa kanyang mensahe.

Humingi rin ito ng suporta sa mga Pinoy fans para makiisa sa ginagawang relief operations para muling buhayin ang mga probinsiyang nasira ng bagyo.

“Every little bit helps. Any amount gifted will aid relief operations around the country. Thank you for supporting our efforts to rebuild communities that need it most,” dagdag ni Clarkson.

Nauna nang nanawagan ng tulong si Miami Heat head coach Erik Spoeltra na gaya ni Clarkson ay may dugong Pinoy din.

Libu-libong pamilya ang naapektuhan ng bagyo kung saang marami ang nawasak na tahanan.

Marami ang nagdiwang ng Kapaskuhan sa dilim — literal na dilim dahil walang supply ng kuryente.

Nangangailangan din ang mga biktima ng malinis na tubig na maiinom lalo pa’t kasamang naapektuhan ang mga water refilling station.

vuukle comment

JORDAN CLARKSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with