^

PSN Palaro

Carl Bryan Cruz kukunin ng TNT Tropang Giga

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Carl Bryan Cruz kukunin ng TNT Tropang Giga

MANILA, Philippines — Maganda na ang opensiba ng TNT Tropang Giga, kaya ang isang defensive player na kagaya ni Carl Bryan Cruz ang kanilang kailangan.

Handang ibigay ng Tropang Giga si big man Chris Javier at isang future first-round pick para mahugot si Cruz mula sa Blackwater Bossing bago ang pagbubukas ng 2021 PBA Governor’s Cup.

Isasama rin ng Bossing si rookie Mark Acuno para makumpleto ang trade na inaasahang aaprubahan ng PBA Commissioner’s Office.

Ang 6-foot-4 na si Cruz ay dating kamador ng Far Eastern University Tamaraws sa UAAP at naging miyembro ng Gilas Pilipinas.

Gusto ni TNT coach Chot Reyes na mapalakas ang kanilang depensa sa pagdadagdag kay Cruz para makatuwang nina 6-foot-8 Poy Erram, 6’6 Troy Rosario at 6’5 Kelly Williams.

Wala nang problema ang Tropang Giga sa opensa dahil kina veteran guard Jayson Castro, RR Pogoy at super rookie Mikey Williams na naging susi sa kanilang paghahari sa nakaraang 2021 PBA Philippine Cup sa  semi-bubble sa Bacolor, Pampanga.

Samantala, pinapirma ng Rain or Shine ang 34-anyos na si center Beau Belga sa isang bagong two-year contract.

Nauna nang tinarget ng NLEX Road Warriors ang 6’6 na si Belga para muling makasama ni coach Yeng Guiao na hindi naplantsa.

Nanalo ng dalawang PBA championships noong 2012 PBA Governor’s Cup at 2016 Commissioner’s Cup, ang produkto ng Philippine Christian University ay No. 7 overall pick ng Purefoods noong 2008 Rookie Draft.

vuukle comment

CARL BRYAN CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with