^

PSN Palaro

Netizens nagulantang sa tweet ni Valdez

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Netizens nagulantang sa tweet ni Valdez
Alyssa Valdez
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagulat ang netizens matapos magpost si volleyball star Alyssa Valdez sa kanyang social media account sa kabila ng pagpasok nito sa Pinoy Big Brother house.

Kaliwa’t kanan ang tanong sa social media nang mag-tweet si Valdez sa kanyang Twitter account.

“See you there,” ani Valdez na patungkol sa isang brand na sinusuportahan o iniindorso nito.

Bahagi ng patakaran ng PBB na hindi maaaring magdala ng anumang uri ng communication device sa loob ng Bahay ni Kuya upang hindi maging updated ang mga housemates sa mga nangyayari sa outside world.

Nagbigay naman ng paliwanag ang ilan na posibleng ang handler ni Valdez ang kasalukuyang humahawak sa account nito lalo pa’t posibleng bahagi ng kontrata nito sa isang produkto ang magpost sa social media.

Hindi naman na bago ang estratehiyang ito sa mga housemates na pumapasok sa PBB partikular na sa mga celebrity o kilalang personallidad na may maraming followers sa social media.

Kadalasan ay ipinapahawak muna nito ang kanilang account sa iba upang makatulong sa kampanya sa voting ng naturang programa.

Bago pumasok sa Bahay ni Kuya, hiniling ni Valdez sa mga tagahanga nito ang patuloy na pagsuporta sa kanya.

“To all my supporters, maraming salamat po at sana patuloy n’yo akong suportahan sa PBB. Ibang court naman ang pupuntahan natin, sana magkakasama pa rin tayo,” ani Valdez.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with