^

PSN Palaro

Thirdy, Kobe rivalry sisiklab sa Japan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Thirdy, Kobe rivalry sisiklab sa Japan
Thirdy Ravena

MANILA, Philippines — Muling papagitna sa hardcourt sina Pinoy imports Thirdy Ravena ng San-en NeoPhoenix at Kobe Paras ng Niigata Albirex BB sa ikalawang linggo ng 2021-2022 Japan B. League.

Magkikita sina Ravena at Paras sa paghaharap ng NeoPhoenix at Albirex ngayong alas-5 ng hapon target ang kani-kanilang ikalawang sunod na panalo sa Hamamatsu Arena.

Parehong may 1-1 baraha ang San-en at Niigata sa torneo matapos ipanalo ang kanilang ikalawang laro noong nakaraang linggo.

Ito ang unang pagkakataon na maghaharap sina Ravena at Paras matapos magtuos sa UAAP suot ang mga uniporme ng Ateneo Blue Eagles at University of the Philippines Fighting Maroons, ayon sa pagkakasunod.

Huling nagbanggaan sina Ravena at Paras noong 2019 sa final elimination game ng UAAP Season 82 kung saan tinalo ng Blue Eagles ang Fighting Maroons, 86-64, para iposte ang malinis na 14-0 record papasok sa UAAP Finals.

“Kobe has been playing tremendously. He’s been my best friend since we were kids, so I’m definitely excited,” wika ni Ravena.

Samantala, lalabanan ni Kiefer at ng Lakestars ang Ibaraki Robots ni Javi Gomez De Liaño at makakaharap ni Juan Gomez de Liaño at ng Earthfriends Tokyo Z ang Nagoya Diamond Dolphins na lalaruan ni Ray Ray Parks Jr.

vuukle comment

KOBE PARAS

THIRDY RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with