^

PSN Palaro

Jimuel nagsasanay sa Wild Card

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umuwi na ang de­le­gasyon ni eight-division world champion Manny Pacquiao matapos ang laban nito kay World Boxing Association (WBA) welterweight king Yordenis Ugas noong Agost 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa Las Vegas, Nevada.

Subalit hindi kumpleto ang pamilya Pacquiao nang bumalik ito sa Pilipinas.

Nasa Amerika pa si Jimuel Pacquiao para paghandaan ang kanyang susunod na boxing fight sa buwan na ito.

Matinding ensayo ang pinagdaraanan ni Jimuel sa Wild Card Gym sa Hollywood, California kasama si Hall of Famer Freddie Roach.

Sumalang ito sa ilang rounds ng sparring sessions kasama si Jonas Sultan na sariwa pa sa impresibong seventh round knockout win kay Sharone Carter noong Agosto 14 sa Carson California.

Pinaghahandaan ni Jimuel ang sunod na laban nito kay YouTuber Boy Tapang. Wala pang eksaktong petsa ang laban.

Personal na napanood ni Jimuel ang laban ng kanyang ama kung saan lumasap ito ng unanimous decision loss kay Cuban fighter Yordenis Ugas.

Desidido si Jimuel na sundan ang yapak ni Manny.

At suportado naman ito ng mas matandang Pacquiao.

Alam ni Jimuel na may pressure na nakasampa sa kanyang balikat lalo pa’t makulay ang boxing career ni Manny.

vuukle comment

JIMUEL PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with