^

PSN Palaro

Gin Kings yupi sa Dyip

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gin Kings yupi sa Dyip
Nag-agawan sa rebound sina Japeth Aguilar ng Ginebra at Eric Camson ng Terrafirma.
PBA Image

Hotshots ipinagpag ang bossing

MANILA, Philippines — Kagaya ng sinabi ni Barangay Ginebra coach Tim Cone, hindi nila puwedeng balewalain ang Terrafirma.

Pinatumba ng Dyip ang nagdedepensang Gin Kings, 95-90, tampok ang career-high 31 points ni guard Juami Tiongson para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Nag-ambag si Eric Camson ng 15 points habang may 11 at 10 markers sina Aldrech Ramos at Rashawn McCarthy, ayon sa pagkakasunod, para sa 2-4 baraha ng Terrafirma.

“Everyone who played here. Gusto nilang manalo. They worked hard. They played as a team,” ani coach Johnedel Cardel sa Dyip na umiskor din ng 110-104 overtime win laban sa San Miguel Beermen noong Miyerkules.

Ang layup ni Camson ang nagbigay sa Terrafirma ng 93-87 abante sa huling 17 segundo ng fourth p­eriod kasunod ang dalawang free throws ni Tiongson para talunin ang Ginebra (2-3).

Sa unang laban, kumamada sina guard Mark Barroca at center Ian Sangalang ng tig-16 points at may 15 markers si combo guard Paul Lee para igiya ang Magnolia sa 94-78 pagrapido sa Blackwater.

Nagdagdag si Calvin Abueva ng 14 points at 10 rebounds at tumipa si rookie Jerrick Ahanmisi ng 12 markers.

“I like our chances. At least, kontrolado namin kung saan namin gustong mapunta,” sabi ni head coach Chito Victolero sa pang-limang panalo ng Hotshots sa anim na laro para tumabla sa Meralco Bolts (5-1) sa ikalawang posisyon habang wala pang panalo ang Bossing sa anim na laban.

Nagkaroon ng mantsa ang dating malinis na record ng Magnolia nang makalasap ng 94-95 pagkatalo sa Meralco noong Miyerkules.

vuukle comment

GINEBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with