^

PSN Palaro

Hidilyn natuto na ng leksyon sa paghawak ng cash incentives

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inamin ni Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz na hindi niya nahawakan nang tama ang mga natanggap na cash incentives matapos buhatin ang silver medal noong 2016 edition sa Rio de Janeiro, Brazil.

Halos P10 milyon ang natanggap na insentibo ni Diaz matapos kunin ang silver medal noong 2016 Olympics.

Sa kanyang pag-angkin sa kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas sa nakaraang Tokyo Games ay humigit-kumulang sa P50 milyong insentibo ang makukuha ng 30-anyos na national weightlifter.

Bukod pa rito ang isang kotse, isang van, isang condominium unit sa Eastwood City na nagkakahalaga ng P14 milyon, isang house and lot sa Tagaytay City at Zamboanga City at libreng gasolina at pamasahe sa eroplano.

“Second time ko na ito na nanalo sa Olympics. May mga wrong choices at wrong experience ako na nagawa,” ani Diaz. “Good thing, dami ko rin natutunan.”

Kumuha na ang tubong Zamboanga City ng ma­nager/financial adviser para pamahalaan ang kanyang pera at mga product endorsements.

Idinagdag pa ng 2018 Asian Games at 2019 SEA  Games gold medalist na ngayon pa lang ay iniisip na niya ang kanyang kinabukasan sakaling dumating ang oras na kailangan na niyang magretiro.

vuukle comment

OLYMPIC GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with