^

PSN Palaro

PetroGazz may pakay sa Chery Tiggo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Susubukan ng dating Reinforced Conference champion PetroGazz na sumalo sa ikalawang puwesto sa pagharap nito sa Chery Tiggo ngayong hapon sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Nakatakda ang inaaba­ngang blockbuster fight ng Gazz Angels at Crossovers sa ala-una ng hapon kung saan mataas ang moral ng dalawang koponan na parehong galing sa panalo.

Matapos nito, agad na susunod ang engkuwentro ng BaliPure at Sta. Lucia sa alas-4 at ng duwelo ng Perlas Spikers at PLDT Home Fibr sa alas-7 ng gabi.

Nasa solong ikatlo ang PetroGazz bitbit ang 4-1 marka kasunod ang Chery Tiggo na may 4-2 kartada.

Nasa unahan ng stan­dings ang Choco Mucho na may malinis na 5-0 habang bumagsak ang reigning champion Creamline sa No. 2 na may 5-1 baraha.

Sariwa pa ang  Gazz Angels sa matikas na 25-17, 25-18, 25-17 panalo sa Perlas Spikers noong Biyernes.

Ngunit sasagupain ng PetroGazz ang Chery Tiggo na nasa cloud nine pa matapos dungisan ang rekord ng Creamline, 25-18, 25-23, 23-25, 25-20, noon ding Biyernes ng gabi.

vuukle comment

PETROGAZZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with