^

PSN Palaro

Hidilyn hinihintay ang wedding proposal ng BF/coach

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa isang television interview kamakalawa ng gabi ay tila nagpahiwatig si Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz ng paghihintay sa wedding proposal ng kanyang boyfriend na si Julius Naranjo.

“Siyempre, gusto ko ring magpakasal pero naghihintay lang ako ‘di ba,” sabi ng national weightlifter kay Naranjo na tumatayong strength and conditioning coach niya sa panayam ng 24 Oras.

Naging coach ni Diaz si Naranjo, dating weightlifter na kumakatawan para sa Guam, noong 2018 isang taon makaraan silang magkakilala sa isang torneo sa Turkmenistan.

Sa edad na 30-anyos ay naiisip na ni Diaz ang magpakasal.

Ngunit ang pagkata­wan pa rin sa Pilipinas sa mga international weightlifting tournaments ang prayoridad niya.

“Siyempre, gusto ko ring magkaanak at pamilya. Pero sa ngayon nakikita ko kasi na malakas pa ako, sayang iyong momentum, sayang iyong lakas. Kaya habang meron pa akong lakas, kasi ganoon iyong mga atleta eh habang may lakas ka gawin mo, pag wala na ok you have to retire and do other things,” ani Diaz.

Balak pa ni Diaz na sumabak sa 31st Southeast Asian Games at Asian Championships sa 2022 at kung puwede pa ay sa 2024 Olympics sa Paris, France.

Nasa mandatory qua­rantine si Diaz sa Sofitel Hotel kagaya ni Naranjo at maaaring makauwi sa kanyang pamilya sa Zamboanga City sa Martes.

vuukle comment

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with