PNVF, Rebisco nagtambalpara sa national team
MANILA, Philippines — Malaki ang ginagampanang papel ng pribadong sektor para sa kaunlaran ng Philippine sports.
Isang halimbawa nito ay ang paglagda ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at ng Philippine snack food company na Rebisco sa isang three-year partnership para suportahan ang national men’s at women’s teams.
“This is indeed a momentous occasion not only for the volleyball players but also for the Philippine sports in general,” sabi ni PNVF president Ramon ‘Tats’ Suzara. “I hope many more will follow this kind of corporate partnership.”
Kumpiyansa naman si Rebisco president Jonathan Ng na makakamit ng men’s at women’s national teams ang gintong medalya sa mga lalahukang international tournaments kagaya ng Southeast Asian Games.
“Always naman the dream is to get the podium finish. it seems we’re getting closer in getting that dream,” wika ni Ng.
Noong 2019 SEA Games ay inangkin ng national men’s team sa pangunguna nina Bryan Bagunas at Marck Espejo ang silver medal habang tumapos sa ikaapat na puwesto ang women’s squad ni Alyssa Valdez.
Pinaghahandaan ng dalawang koponan ang 2021 SEA Games na idaraos sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.
- Latest