^

PSN Palaro

Curry, Oubre Jr. isinalba ang Warriors

Pilipino Star Ngayon
Curry, Oubre Jr. isinalba ang Warriors
Nagdiwang si Warriors star player Stephen Curry malapit sa puwesto ni Bucks player Pat Connaughton.
STAR/ File

SAN FRANCISCO - Naghulog si Stephen Curry ng 41 points para sa 122-121 pagtakas ng Golden State Warriors sa Milwaukee Bucks at pigilin ang kanilang three-game losing skid.

Isinalpak ni Kelly Oubre Jr. ang dalawang free throws sa huling 7.7 segundo para sa one-point lead ng Warriors (24-27) habang nagmintis ang Bucks (32-18) sa kanilang posesyon.

Tumipa si Khris Middleton ng 28 points para sa Milwaukee na muling hindi nakuha ang serbisyo ni injured big man Giannis Antetokounmpo.

Sa Los Angeles, humataw si Paul George ng 36 points para pamunuan ang Clippers (34-18) sa 133-116 pagdurog sa Portland Trail Blazers (30-20).

Sa Tampa, Florida, kumonekta ang nagdedepensang Lakers (32-19) ng kabuuang 18 triples para kunin ang 110-101 panalo sa Toronto Raptors (20-31).

Sa Boston, kumamada si Joel Embiid  ng 35 points para banderahan ang Phi­ladelphia 76ers (35-16) sa 106-96 tagumpay sa Cel­tics (25-26).

Sa Atlanta, nagpasabog si Trae Young ng 30 points sa 123-107 pagdagit ng Hawks (27-24) sa New Orleans Pelicans (22-28).

Sa Denver, nagposte si Nikola Jokic ng 27 points para pamunuan ang Nuggets (13-8) sa 134-119 pagdomina sa Detroit Pistons (5-16).

Sa Miami, umiskor si Dillon Brooks ng season-high 28 points para tulu­ngan ang Memphis Grizzlies (25-23) na kunin ang 124-112 tagumpay sa Heat (26-25).

Sa Indianapolis, nag­lista si Nikola Vucevic ng 32 points at 17 rebounds para sa 113-97 pagsuwag ng Chicago Bulls (21-28) sa Indiana Pacers (22-27).

vuukle comment

STEPHEN CURRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with