Maraguinot goodbye na sa UAAP
MANILA, Philippines — Goodbye na si wing spiker Jhoana Maraguinot sa college volleyball matapos magdesisyon maging professional volleyball player sa Premier Volleyball League (PVL).
May isang taong eligibility pa si Maraguinot para sana makapaglaro suot ang jersey ng Ateneo.
Subalit tuluyan na itong mawawakasan nang pumirma ng kontrata si Maraguinot sa Perlas Spikers.
Awtomatikong nawawalan ng saysay ang playing eligibility ng isang student-athlete sa oras na pumasok ito sa pro gaya ng PVL — ang kauna-unahang professional volleyball league sa bansa.
“It’s too long na for me (para maglaro pa sa UAAP). Pumasok ako sa Ateneo noong 16 pa lang ako, then aalis ako 25 na ako (if ever na maglaro ako next season),” ani Maraguinot.
Hindi naman na bago sa commercial leagues si Maraguinot.
Nasilayan na ito para sa Sta. Lucia Realtors sa Philippine Superliga (PSL).
Ngunit nalimitahan ang playing time nito matapos magtamo ng injury.
Masaya si Maraguinot sa pagpasok sa Perlas Spikers na binibigyan siya ng sapat na suporta ng grupo para makarekober ng husto sa kanyang injuries.
“They gave me an opportunity to play at my own pace. Parang I told them about my injuries and they were willing to help with the rehab and conditioning,” ani Maraguinot.
- Latest