^

PSN Palaro

Wright gulat sa Abueva trade

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Wright gulat sa Abueva trade
Calvin Abueva
PBA images

MANILA, Philippines — Malungkot si Matthew Wright sa paglisan ni Calvin Abueva na naging katropa na nito sa kampo ng Phoenix Fuel Masters.

Hindi pa ganun katagal ang pagsasama nina Wright at  Abueva sa Fuel Masters subalit nabuo na ang magandang samahan ng dalawa partikular na sa PBA Season 45 Philippine Cup sa loob ng Clark bubble.

Kaya naman nagulantang si Wright nang mabalitaan nito ang paglisan ni Abueva na na-trade sa Magnolia Hotshots kapalit ni Chris Banchero at dalawang draft picks.

“We became friends instantly. I’ll definitely miss the bond we share,” ani Wright.

Wala naman magawa si Wright dahil desisyon ito ng management.

Nais na lamang nito isentro ang kanyang atensiyon sa nalalapit na pagbubukas ng PBA Season 46 sa Abril.

Malaking tulong din ang pagpasok ni Banchero na tinukoy ni Wright na isa ring malakas na puwersa bilang individual player.

Umaasa si Wright na maipagpapatuloy ng Fuel Masters ang magandang nasimulan nito sa Philippine Cup.

Halos abot-kamay na ng Fuel Masters ang finals stint subalit nabigo ito matapos matalo sa Talk ‘N Text Tropang Giga sa semifinals.

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

MATTHEW WRIGHT

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with