^

PSN Palaro

National boxers gahol na sa preparasyon para sa Olympic qualifying tourney

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kitang-kita sa kilos ng national men’s at women’s boxing teams ang kakulangan nila sa ensayo matapos matengga ng siyam na buwan dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Kaya naman gumagawa na ng adjustments ang mga national coaches, ayon kay mentor Boy Velasco ng national women’s squad.

“Sa ngayon talaga kung bibilangin mo iyong preparas­yon natin parang medyo gahol na tayo,” wika ni Velasco. “Ginagawa na lang namin na i-adjust iyong mga bata na makahabol sila nang husto.”

Kasalukuyan nang nag-eensayo ang dalawang national boxing teams sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Ito ay upang paghandaan ang lalahukang qualifying tournament sa Paris, France sa Hunyo para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

“Medyo limited din kasi iyong exposure nila eh,” ani Velasco sa mga Pinay pugs. “Parang panibagong umpisa ulit ito para sa kanila kasi biro mo nine months silang natengga.”

Pinangungunahan ni Olympic-bound Irish Magno ang women’s squad kasama sina 2019 AIBA Women’s Championships gold medalist Nesthy Petecio, Aira Villegas, Riza Pasuit, Analyn Cellon at Josie Gabuco.

Ang dalawang mana­nalo sa itatakdang box-off ang siyang ilalaban sa pinakahuling Olympic qualifying tournament.

Bukod kay Magno, nakasuntok na rin ng Olympic ticket si middleweight Eumir Felix Marcial na kasaluku­yang nagsasanay sa Wild Card Boxing Gym.

vuukle comment

COVID-19

OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with