Butler mainit ang pagbabalik!
Heat inilusot vs Kings
MIAMI — Matapos mawala ng 10 games dahil sa NBA virus-related protocols ay umiskor si Jimmy Butler ng season-high 30 points para pamunuan ang Heat sa 105-104 paglusot sa Sacramento Kings.
Nagtala rin si Butler ng 8 assists at 7 rebounds para tapusin ng Miami (7-12) ang kanilang five-game losing skid.
Pinamunuan ni De’Aaron Fox ang Kings (8-11) sa kanyang 30 markers.
Sa Boston, nagposte si Anthony Davis ng 27 points at 14 rebounds para ihatid ang nagdedepensang Los Angeles Lakers (15-6) sa 96-95 pagtakas sa Celtics (10-8).
Nagtala si LeBron James ng 21 points, 7 rebounds at 7 assists at nagdagdag si Montrezl Harrell ng 16 points para sa Lakers.
Sa Chicago, isinalpak ni Damian Lillard ang isang fadeaway 3-pointer sa final buzzer para sa 123-122 pag-eskapo ng Portland Trail Blazers (10-8) laban sa Bulls (7-11).
Sa Charlotte, tumipa si LaMelo Ball ng career-high 27 points para sa 126-114 tagumpay ng Hornets (9-11) kontra sa Milwaukee Bucks (11-8).
Sa New Orleans, kumamada si Christian Wood ng 27 points para sa 126-112 pagdaig ng Houston Rockets (9-11) sa Pelicans (7-11).
- Latest