Eala target ang unang pro tennis crown
MANILA, Philippines — Ipinakita ni tennis prodigy Alex Eala ang puso ng isang Pinay.
Sinibak ng 15-anyos na si Eala si Adithya Karunaratne ng Hong Kong, 6-3, 6-4, sa kanilang semifinals match para magmartsa sa finals ng ITF Rafa Nadal Academy World Tennis Tour tournament sa Manacor, Spain.
Ito ang kauna-unahang finals appearance ng Pinay tennis sensation sa isang professional women’s singles tournament.
Lalabanan ni Eala para sa titulo si hometown bet Yvonne Cavalle-Reimers na sinibak si Leolia Jeanjean ng France, 6-4, 6-2, sa isa pang semifinals match.
Ang 28-anyos na si Cavalle-Reimers ang kasalukuyang World No. 490 player.
Inangkin ni Eala, kasama si Indon partner Priska Nugroho, ang doubles’ crown ng Australian Open noong Pebrero ng 2020 at umabante sa semifinals ng French Open girls’ singles tournament.
- Latest