^

PSN Palaro

Bubble experience memorable kay Wright

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Masayang lumabas ng bubble si Phoenix ace Matthew Wright sa kabila ng pagkakasibak ng Fuel Masters sa semis ng PBA Season 45 Philippine Cup.

Bitbit ni Wright ang masasayang alaala at magagandang karanasang natutunan nito sa halos dalawang buwan na pananatili sa PBA bubble sa Clark, Pampanga.

Matagal na nawalay sa kani-kanyang pamilya ang mga PBA players dahil hindi pinahihintulutang makalabas ng bubble ang sinuman.

Ngunit nagsilbing pamilya nito ang buong Fuel Masters na kasama nito sa hirap at ginhawa.

“This bubble was a huge team bonding experience and I loved every minute of it. Away from our families, we decided to be family to each other and fought against all odds,” ani Wright sa kanyang post sa social media

Maganda naman ang kinalabasan ng bonding ng Phoenix dahil nagresulta ito sa pagpasok ng Fuel Masters sa semifinals.

Ito ang ikalawang semis stint ng Phoenix sa liga.

Nakaporma na sana sa pag-entra sa finals ang Fuel Masters nang makuha nito ang 2-1 bentahe laban sa Talk ’N Text Tropang Giga sa best-of-five semis series.

Subalit lumasap ng dalawang sunod na kabiguan ang Phoenix para tuluyang tuldukan ang kanilang Cinderella run.

Gayunpaman, sinabi ni Wright na magsisilbi itong magandang inspirasyon para sa kanilang susunod na laban.

vuukle comment

MATTHEW WRIGHT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with