^

PSN Palaro

Patayan na ‘to!

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Patayan na �to!
Naiwasan ni Ray Ray Parks Jr. ng TNT ang supalpal ni Jansen Rios ng Phoenix sa Game 5.
PBA Image

TNT vs Phoenix; Ginebra kontra Meralco

MANILA, Philippines — Ito ang larong hindi maaaring isuko ng Barangay Ginebra, TNT Tropang Giga, Meralco at Phoenix.

Magtutuos ang Gin Kings at Bolts ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang upakan ng Tropang Giga at Fuel Masters sa alas-3:45 ng hapon sa Game Five ng kani-kanilang semifinals series sa 2020 PBA Philippine Cup sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Ang dalawang mananaig ang maghaharap sa best-of-seven championship series ng torneong limang sunod na taon dino­mina ng San Miguel Beermen.

Itinabla ng Meralco sa 2-2 ang kanilang best-of-five semifinals duel ng Ginebra matapos agawin ang 83-80 panalo sa Game Four.

“I’m sure the players are very, very happy to get a chance to go into Game Five, and get a chance to go to the finals,” ani Bolts’ coach Norman Black sa kanilang panalo sa Gin Kings ni Tim Cone noong Miyerkules. “Of course, it’s going to be a tough task against Ginebra to beat them in Game Five.”

Asam ng Ginebra ang kanilang ika-27 PBA Finals stint habang ang ikaapat naman ang target ng Meralco.

Muling ibabandera ng Gin Kings sina Stanley Pringle, LA Tenorio, Japeth Aguilar, Scottie Thompson at Jared Dillinger laban kina Chris Newsome, Baser Amer, Raymond Almazan, Cliff Hodge at Reynel Hugnatan ng Bolts.

Sa inisyal na laban, ina­asahan naman ni TNT mentor Bong Ravena ang pagresbak ng Phoenix ni bench tactician Topex Ro­binson.

“We have to want that game so bad,” sabi ni Ra­vena matapos ang 102-101 paglusot ng Tropang Giga laban sa Fuel Masters sa Game Four na nagtabla sa kanilang serye sa 2-2.

Puntirya ng TNT ang pang-20 PBA Finals appearance at ang kauna-unahang championship stint naman ang hangad ng Phoenix.

vuukle comment

MERALCO

PHOENIX

TNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with