^

PSN Palaro

Orcollo kampeon sa Texas Open 9-Ball

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Orcollo kampeon sa Texas Open 9-Ball
Dennis Orcollo
STAR/File

MANILA, Philippines — Matapos ang kanyang runner-up finish sa One Pocket event, rumesbak si dating world champion Dennis Orcollo nang angkinin nito ang kampeonato sa 9-Ball event sa 47th Annual Texas Open sa Skinny Bob’s Billiards sa Round Rock, Texas.

Hindi inisip ni Orcollo ang pagod matapos ang pukpukang laban nito sa One Pocket.

Dala ang determinas­yon, matikas na pinataob ni Orcollo si American cue master Billy Thorpe sa pamamagitan ng 9-4 demolisyon para masikwat ang korona.

Nagtala si Orcollo ng sunud-sunod na panalo kabilang ang pananaig kina Ruben Bautista, Roberto Gomez, Tony Chohan, Sergo Rivas para makapasok sa semifinals ng winners’ bracket.

Naibulsa ni Orcollo ang unang tiket sa finals nang pataubin sa semis si Thorpe sa iskor na 9-3 de­sisyon para mahulog ang Amerikano sa losers’ bracket.

Rumesbak si Thorpe sa one-loss side nang pabagsakin nito ang Pinoy na si Jeffrey De Luna (9-8) sa semis ng losers’ column para muling makaharap si Orcollo sa finals.

Tila naubos na ang lakas ni Thorpe sa gitgitang laban nito kay De Luna sa semis dahilan upang maging malamya ang laro nito sa finals at tuluyang ipaubaya kay Orcollo ang panalo.

Ibinulsa ni Orcollo ang $8,000 premyo habang nagkasya lamang sa $5,500 konsolasyon si Thorpe.

Hindi naman uuwing luhaan si De Luna na nagkamit ng $3,500 sa kanyang third-place finish.

Ito ang ikasiyam na titulo ni Orcollo sa taong ito upang mapatatag ang kanyang kapit sa No. 1 spot sa Az Billiards ranking.

Nagkasya lamang sa runner-up finish si Orcollo sa One Pocket event na pinagwagian ni Gomez.

vuukle comment

DENNIS ORCOLLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with