^

PSN Palaro

POC elections wala pang venue

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
POC elections wala pang venue
Hangad ni Tolentino na makuha ang isang kumpletong termino matapos manalo laban kay Philip Ella Juico ng athletics para sa POC presidency sa isang snap elections noong Hulyo ng 2019.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ang petsa pa lamang ng eleksyon ang pinal nang naitakda.

Kaya marami pang dapat pag-usapan ang Philippine Olympic Committee (POC) Board tungkol sa botohan na nakaiskedyul sa Nobyembre 27.

“Regarding the venue and other matters, we don’t know yet,” sabi ni archery chief Atty. Clint Aranas na siyang maghahamon kay incumbent POC head Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng cycling.

Hangad ni Tolentino na makuha ang isang kumpletong termino matapos manalo laban kay Philip Ella Juico ng athletics para sa POC presidency sa isang snap elections noong Hulyo ng 2019.

Nangyari ito matapos ang biglaang pagbibitiw ni basketball association chairman Rocky Vargas.

Kamakailan ay iminungkahi ni Monico Puentevella ng weightlifting na ipagpaliban sa susunod na taon ang POC electons dahil sa kasalukuyang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Idinahilan ni Puentevella ang ipinatutupad na community quarantine sa mga probinsya na pagmumulan ng mga pinuno ng National Sports Associations (NSAs) na siyang maghahalal sa mga opisyales ng POC Board.

Wala pang pahayag si Tolentino kung saan maa­aring gawin ang eleksyon.

Kasalukuyang nasa Bacolod City si Puentevella habang nananatili sina Mayor Richard Gomez ng fencing at pentathlon at Prospero Pichay ng chess sa Ormoc City at Surigao del Sur, ayon sa pagkakasunod.

Sina Gomez (2nd vice-prsident) at Pichay (board member) ay nasa ilalim ng tiket ni Tolentino habang tatakbo naman bilang independent candidate si Puentevella bilang POC chairman. 

vuukle comment

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with