^

PSN Palaro

Garcia handang lumipad sa Pilipinas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Para labanan si Pacquiao

MANILA, Philippines — Desidido si Mikey Garcia na gawin ang lahat para matuloy ang laban kontra kay eight-division world champion Manny Pacquiao.

Handa si Garcia na lumaban saan mang sulok ng mundo matuloy lamang ang laban.

Ready din itong tumulak sa Pilipinas sakaling mapagdesisyunang idaos sa Maynila ang laban.

“I’ll fight him (Pacquiao) anywhere. It don’t matter where the fights at. The rings don’t change does it? Is there like six corners all of a sudden or two corners? Four corners, four ropes, same thing,” ani Garcia.

Kating-kati na si Garcia na sagupain si Pacquiao dahil alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kanyang boxing career.

Alam ng lahat na para­ting blockbuster ang laban ni Pacquiao na tunay na dinudumog ng mga boxing fans saan man ito ganapin.

Bukod pa rito ang karangalang makasagupa ang isang living legend gaya ni Pacquiao.

Subalit ang pangarap na ito ni Garcia ay mananatiling pangarap na lamang muna dahil wala pang plano si Pacquiao na sumabak hangga’t may coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay American trainer Freddie Roach, walang plano ang kampo ng Pinoy champion na lumaban pa sa taong ito.

Kaya’t posibleng sa susunod na taon na maikasa ang susunod na laban ni Pacquiao.

Marami ang kandidato para sa susunod na laban ni Pacquiao.

At si Garcia ang isa sa mga ito.

Kabilang din sina Danny Garcia, Terence Crawford, Shawn Porter at Errol Spence gayundin sina Mixed Martial Arts superstar Conor McGregor at undefeated American figh­ter Floyd Mayweather Jr.

Sa ngayon, abala si Pacquiao sa kanyang tungkulin bilang Senador at sa mga aktibidad para tulungang masugpo ang COVID-19.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with