^

PSN Palaro

Gaston, Lavitoria lilipad sa Flying Titans

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gaston, Lavitoria lilipad sa Flying Titans
Sina Jamie Lavitoria at Ponggay Gaston
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dalawa pang mahusay na Ateneo de Manila University players ang kumpirmadong masisilayan suot ang Choco Mucho jersey sa Premier Volleyball League (PVL).

Kinuha ng Flying Titans sina versatile spiker Ponggay Gaston at playmaker Jamie Lavitoria na mala­king karagdagan sa tropa sa tangkang masungkit ang kauna-unahang titulo sa liga.

Pormal nang inanunsyo ng Choco Mucho sa kanilang social media account ang pagpasok nina Gaston at Lavitoria sa kanilang pamilya.

Mahusay ang 5-foot-8 na si Gaston na kayang maglaro sa iba’t ibang posis­yon gaya ng outside hitter o opposite spiker maging middle blocker na orihinal nitong posisyon noong nasa juniors pa ito.

Malalim naman ang karanasan ni Lavitoria na bukod sa UAAP, nasilayan na ito para sa Generika Ayala Lifesavers sa Philippine Superliga.

Makakasama nina Gaston at Lavitoria ang mga katropa nito sa Lady Eagles na sina middle blockers Maddie Madayag at Bea De Leon, opposite hitter Kat Tolentino, setter Deanna Wong at libero Denden Lazaro.

Kaya naman hindi na magiging problema para sa Flying Titans ang chemistry lalo pa’t hahawakan ang tropa ni veteran mentor Oliver Almadro — ang head coach ng Lady Eagles.

Hangad ng Choco Mucho na malampasan ang seventh-place finish nito sa Open Conference sa kanilang debut sa PVL noong nakaraang taon.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with