^

PSN Palaro

36 sports paglalabanan sa sea games

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
36 sports paglalabanan sa sea games
Nangunguna sa lista­han ang basketball (5-on-5 at 3x3) na pinagharian ng Pilipinas noong 2019 SEA Games sa Maynila gayundin ang mandatory sports na athletics at aquatics.
Walter Bollozos, file

Posibleng madagdagan pa

MANILA, Philippines — Inilabas na ng host Vietnam ang 36 sports na nais nitong itaguyod sa 31st Southeast Asian Games na idaraos sa Hanoi sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 sa susunod na taon.

Nangunguna sa lista­han ang basketball (5-on-5 at 3x3) na pinagharian ng Pilipinas noong 2019 SEA Games sa Maynila gayundin ang mandatory sports na athletics at aquatics.

Kasama rin ang archery, badminton, bo­xing, billiards and snooker, canoe-kayak, chess, xiangqui, cycling (road/mountain bike), dan­cesports, fencing, football, futsal, golf, gymnastics (artistic, rhythmic at aerobics), handball (indoor at beach), judo, karate, muay, pencak silat, pétanque, ro­wing, sepak takraw, shoo­ting (pistol, rifle at shotgun), table tennis, taekwondo, tennis, volleyball (indoor at beach), weightlifting, wrestling (greco roman at freestyle), wushu, bodybuilding, kurash at kickboxing.

Pasok din ang Vietna­mese traditional sport na vovinam na isang uri ng martial arts.

Inaasahang madadag­dagan pa ito sa oras na magpasok ang host country ng mga sports na posib­leng pagkuhaan nito ng gintong medalya.

Binibigyan ng SEA Games Federation Council ng pagkakataon ang host country na magdagdag ng traditional sports bilang pa­kunsuwelo sa hosting nito.

Subalit kailangan pa rin itong dumaan sa approval ng mga member countries bago tuluyang madagdag sa listahan ng mga events na lalaruin.

Sa nakalipas na Manila SEA Games, ilan sa mga idinagdag ng Pilipinas ang arnis, dancesport, obstacle racing at skateboarding na tunay na nakapagbigay ng ginto para sa bansa.

Nakasungkit ang arnis ng 14 ginto para tanghaling winningest National Sports Association (NSA) habang 10 naman ang ibinigay ng dancesport  at tig-anim ang obstacle racing at skateboarding.

Sa pagkakataong ito, wala sa listahan ng Vietnam ang arnis, obstacle racing at skateboarding kaya’t 26 ginto agad ang makakaltas sa 149 gintong medalyang nakuha ng Pilipinas nang tanghalin itong overall champion noong 2019 edisyon.

Sa Manila SEA Games, pumangalawa ang Vietnam sa medal standing matapos humakot ng 98 ginto, 85 pilak at 105 tansong medalya.

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with