^

PSN Palaro

COVID-19 binago ang istraktura ng NBA

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK - Ngayon pa lamang ay inihahanda na ni NBA Commissioner Adam Silver ang mga players para sa mangyayari sa gitna ng kinakaharap na coronavirus pandemic.

Sinabi rin ni Silver na wala pang katiyakan kung kailan makakabalik ang mga fans sa mga NBA arenas sa susunod na season.

Ayon sa NBA Commissioner, ang 40 porsiyento ng kita ng liga ay nagmumula sa mga nanonood ng kanilang mga laro.

“This could turn out to be the single greatest challenge of all our lives,” wika ni Silver sa mga players matapos ang isang teleconference kasama ang National Basketball Players Association na pinamumunuan ni Chris Paul.

Tinanong ng ilang players si Silver tungkol sa mga isyu sa kanilang kaligtasan sakaling ibalik ang NBA season na sinuspindi noong Marso 11 makaraang magpositibo sa COVID-19 si Utah Jazz center Rudy Gobert.

Pati ang salary caps at basketball-related income sa mga susunod na season ay itinanong din kay Silver.

Ayon kay Silver, kung ibabalik ang season ay maaari lamang nila itong gawin sa Orlando at Las Vegas.

“There’s no point in adding risk for flying all of you city to city if there’s not going to be fans,” wika ni Silver. “We think it would be safer to be in a single location, or two locations, to start.”

vuukle comment

ADAM SILVER

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with