^

PSN Palaro

Marcial tutok muna sa Olympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Marcial tutok muna sa Olympics
Nakapasok sa Tokyo Olympics si Marcial matapos pagharian ang men’s middleweight division sa 2020 Asian-Oceanian Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Amman, Jordan kamakailan.

MANILA, Philippines — Wala muna sa isip ni Eumir Felix Marcial ang professional boxing dahil nakasentro muna ang atensiyon nito sa tangkang masungkit ang gintong medalya sa Olympic Games na idaraos sa susunod na taon sa Tokyo, Japan.

Tutok si Marcial sa pa­ngarap nitong makapag-uwi ng medalya sa Olympics.

Kaya naman isina­santabi muna ni Marcial ang mga usapin tungkol sa pagpasok nito sa professional boxing.

“Yung focus ko nasa Olympics muna dahil pa­nga­rap ko talagang makapaglaro sa Olympics. Matutupad na yung pangarap ko at gusto kong magkaroon ng magandang resulta ang paglalaro ko sa Olympics,” ani Marcial.

Nakapasok sa Tokyo Olympics si Marcial matapos pagharian ang men’s middleweight division sa 2020 Asian-Oceanian Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Amman, Jordan kamakailan.

Kasamang pumasok ng AIBA Men’s World Bo­xing Championships silver medalist na si Marcial ang katropang si Irish Magno na nakahirit ng tiket sa pamamagitan ng boxoff sa women’s flyweight class.

Pabor si Marcial na ganapin sa susunod na buwan ang Olympics dahil magkakaroon ito ng pagkakataong ihanda ng lubos ang kanyang pangangatawan bago sumabak sa laban.

Magugunitang nagtamo ng pasa ang kanyang kanang mata nang lumaban ito sa Asian-Oceanian qualifying event.

Magandang pagkakataon din ito para mapag-aralan ang kanyang makakalaban sa Tokyo Games.

May 24 boxers ang maglalaban-laban sa Olympics.

May siyam na boksingero na ang nag­kwa­lipika - lima mula sa Asia-Oceania, tatlo mula Africa at isa galing sa host country Japan.

Anim pa ang kukunin mula sa Europa, tig-apat naman sa Americas at World Olympic Qualifying at isa galing sa tripartite invitation.

Hindi naman isinasara ni Marcial ang kanyang pintuan sa pro boxing dahil paraan din ito para makapagbigay ng kara­ngalan sa bansa gaya nang ginagawa ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

“Kung may magandang opportunity na makapagbi­gay ng karangalan sa bansa siguro pag-aaralan ko. Pero sa ngayon, Olympics muna ang aten­siyon ko,” ani Marcial na three-time SEAG gold medalist.

vuukle comment

EUMIR FELIX MARCIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with