^

PSN Palaro

Lady Altas lalapit sa Final 4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Altas lalapit sa Final 4
Maghaharap ang Lady Altas at Lady Generals nga­yong alas-12 ng tanghali at puntirya naman ng Colegio de San Juan de Letran na manatiling buhay ang pag-asa sa kanilang bakbakan ng Jose Rizal University sa alas-2 ng hapon.
Jun Mendoza/ File

MANILA, Philippines — Ang makalapit sa inaa­sam na Final Four spot ang ta­tangkain ng University of Perpetual Help System Dalta sa pagsagupa sa Emil­io Aguinaldo College sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Maghaharap ang Lady Altas at Lady Generals nga­yong alas-12 ng tanghali at puntirya naman ng Colegio de San Juan de Letran na manatiling buhay ang pag-asa sa kanilang bakbakan ng Jose Rizal University sa alas-2 ng hapon.

Hangad ng Perpetual Help na makabangon sa masaklap na 20-25, 19-25, 16-25 kabiguan sa kamay ng San Beda University no­ong Biyernes.

Nahulog ang Lady Al­tas sa No. 3 kasama ang La­dy Red Spikers hawak ang parehong 5-2 baraha.

Nauna nang nasikwat ng College of Saint Benilde ang unang tiket sa Final Four bunsod ng 25-22, 25-13, 25-20 panalo sa Jose Ri­zal na nagdala sa kanila sa matikas na 7-0 marka.

Pumapangalawa ang nagdedepensang Arellano na may 6-1 rekord.

Inaasahang ibubuhos ng Lady Altas ang lahat para makadikit sa semis spot.

Walang manlalaro ng Perpetual Help ang nagtala ng double digits laban sa San Beda.

Hirap sa opensa ang La­dy Altas na umiskor lamang ng 17 attacks mula sa 122 attempts dahilan pa­ra malimitahan si top sco­rer Jhona Rosal sa pi­tong puntos.

Tututukan din ng Per­pe­­tual Help ang errors ma­tapos makagawa ng 23 pagkakamali sa loob ng tatlong sets.

vuukle comment

LA­DY RED SPIKERS

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with