^

PSN Palaro

SMB-Alab asam ang No. 8 win

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Haharapin ng San Mi­guel-Alab Pilipinas ang Singapore Slingers sa ikatlong pagkakataon sa 2019-2020 Asean Basketball League (ABL) sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.

Bibiyakin ng Alab Pilipi­nas at Slingers ang 1-1 pag­kakatabla sa kanilang head-to-head battle sa pag­tutuos nila ngayong alas-7:30 ng gabi.

Pinataob ng tropa ni coach Jimmy Alapag ang Singapore, 90-83, noong Dis­yembre 15 bago naka­ba­wi ang Slingers, 85-64, sa kanilang rematch noong Enero 12.

Nagmula sa 100-92 pa­nalo ang Alab Pilipinas kontra sa solo leader Thailand Mono Vampire sa Bangkok no­ong Huwebes.

Dahil sa nasabing pa­na­­lo ay nanatili ang Alab Pilipinas sa ikatlong puwesto sa 7-4 kartada sa likod ng Mono Vampire (9-4) at Tai­pei Fubon Braves (9-5).

Malakas din ang tiwala ng Singapore bunga ng kanilang dalawang sunod na panalo kaya umangat sila sa ika-pitong puwesto sa bitbit na 5-5 marka.

vuukle comment

ALAB PILIPI­NAS

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with