^

PSN Palaro

Orcollo sinargo ang korona ng Diamond Bank Pool event

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Orcollo sinargo ang korona ng Diamond Bank Pool event
Hindi nakaporma kay Orcollo ang mga karibal nito ka­bilang na sina 2019 Diamond Bank Pool champion Billy Thorpe ng Amerika at Evan Lunda ng Amerika sa fi­nal round ng event na nilahukan ng 451 players.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nakumpleto ni dating world champion Dennis Orcollo ang matamis na sweep sa lahat ng kanyang asignatura upang masungkit ang korona ng Diamond Bank Pool event ng prestihiyosong 2020 Derby City Classic na ginanap sa Caesars Southern Indiana Casino and Hotel sa Elizabeth, Indiana, USA.

Hindi nakaporma kay Orcollo ang mga karibal nito ka­bilang na sina 2019 Diamond Bank Pool champion Billy Thorpe ng Amerika at Evan Lunda ng Amerika sa fi­nal round ng event na nilahukan ng 451 players.

Kasama rin sa mga tinalo ni Orcollo sina Filipino-Ca­nadian Alex Pagulayan, dating world champion Shane Van Boeing ng Amerika at Jayson Shaw ng Scotland gayundin sina Tim De Ruyter, Shannon Murphy, Billy Young, Jeremy Jones Da­vid Adams, Mieszko For­tunski, Gary Urinoski, Ken­ny Wilson at kababa­yang si James Aranas.

Napasakamay ni Orcol­lo ang $16,000 premyo, habang nagkasya sa runner-up si Lunda para maiuwi ang $8,000 konsolasyon.

Pumangatlo si Thorpe pa­ra sa $5,350.

Ito ang ikalawang Diamond Bank Pool crown ni Or­collo matapos pagharian ang 2014 edisyon.

Dahil dito ay lumakas ang tsansa ni Orcollo na ma­sungkit ang Master of the Table kung saan $20,000 ang nakaabang na premyo matapos ang apat na events.

May 120 points siya sa Diamond Bank Pool.

Sunod na magtatangka si Orcollo kasama ang iba pang Pinoy cue masters sa Diamond 9-Ball Pool event.

Pakay ni Orcollo na mabawi ang korona sa 9-Ball na huli niyang nahawakan noong 2017.

Dalawang beses nang nagkampeon si Orcollo sa 9-Ball.

Maliban sa 2017 edis­yon ay nangibabaw din si Orcollo noong 2011.

vuukle comment

DENNIS ORCOLLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with