^

PSN Palaro

Lady Altas ginulat ang Lady Pirates

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Altas ginulat ang Lady Pirates
Nag-dive si libero Allysa Sangalang (2) ng Perpetual Help Lady Altas sa tagpong ito sa 3rd set para manatiling buhay ang bola sa kanilang laban kontra LPU Lady Pirates sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Centre sa San Juan City.

MANILA, Philippines — Dumaan muna sa butas ng karayom ang University of Perpetual Help System Dalta bago ilusot ang pahirapang 25-27, 25-23, 26-24, 14-25, 17-15 panalo laban sa Lyceum of the Philippines University upang makopo ang solong ikaapat na puwesto sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Muling umariba si Jhona Rosal nang pakawalan nito ang 20 puntos kabilang ang 16 receptions at 10 digs para sa Lady Altas nasungkit ang ikalawang sunod na panalo para umangat sa 2-1 marka.

Naasahan din si ve­teran outside hitter Bianca Tripoli na bumira naman ng 19 hits habang nagdagdag si Jenny Gaviola ng 10 puntos at 13 excellent sets.

“Pag fifth set talaga mental toughness na ang la­banan. Yung skills ga­ga­­­mitin sa tama pero ‘yung utak talaga ang ma­ngingibabaw pagdating sa fifth set,” ani Perpetual Help mentor Macky Carino.

Nasayang ang pinaghirapang tig-15 puntos nina Ciarnelle Wanta, Alexandra Rafael at Mary Joy O­nofre para sa Lady Pirates na tuluyang nalugmok sa 0-3 marka.

Sa ikalawang laro, mabilis na inilampaso ng San Beda University ang San Sebastian College-Recoletos, 25-13, 25-9, 25-21, nanatiling malinis ang record nito sa dalawang laro.

Sumosyo ang San Beda sa No. 2 spot kasama ang nagdedepensang Arellano University na may parehong 2-0 marka habang nangu­nguna ang College of Saint Benilde na may matikas na 3-0 kartada.

Sa men’s division, pinataob ng reigning champion Perpetual Help ang Lyceum, 25-22, 33-31, 25-20, tungo sa matikas na 3-0 baraha na lubos na nagpatatag sa Las Piñas-based squad sa solong pamumuno.

Wala pa ring panalo ang Pirates sa tatlong pagsalang.

vuukle comment

NCAA SEASON 95

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with