^

PSN Palaro

Heat sinilaban ang Thunder; Raptors pinapak ang Wizards

Pilipino Star Ngayon

OKLAHOMA CITY - Nag­lista si Kendrick Nunn ng 22 points para tulungan ang Miami Heat sa 115-108 pagpapabagsak sa Thunder.

Nagmula si Nunn, ang two-time Eastern Confe­rence Rookie of the Month, sa 33-point effort sa panalo ng Heat laban sa San Antonio Spurs noong Miyekules.

Nagtala si big man Bam Adebayo ng 21 points at 8 rebounds para sa ikalawang sunod na ratsada ng Miami, nakahugot kay Jimmy Butler ng 14 points at 10 rebounds.

Pinamunuan ni star for­ward Danilo Gallinari ang Oklahoma City mula sa kanyang 27 points at may tig-18 markers sina Shai Gilgeous-Alexander at Dennis Schroder.

Ito ang ikatlong kabigu­an ng Thunder sa huli ni­lang apat na laro.

Sa Toronto, tumipa si center Marc Gasol ng season-high na 20 points at dinuplikahan ang kanyang career high na anim na three-pointers sa 140-111 pagpulutan ng Raptors sa Washington Wizards.

Umiskor si Norman Po­well ng 28 markers para sa pang-pitong sunod na pagdomina ng Toronto sa Washington.

Sa Philadelphia, humataw si Furkan Korkmaz ng anim na 3-pointers para sa kanyang career-high 24 points at pamunuan ang 100-89 panalo ng 76ers kontra sa Chicago Bulls.

Nagdagdag sina Ben Simmons at Al Horford ng tig-20 points para sa Philadelphia.

Pinangunahan ni Zach LaVine ang Chicago mula sa klanyang 23 points at may 14 at 13 markers si­na Cody White at Luke Kor­net, ayon sa pagkaka­sunod.

Sa Indianapolis, nagsal­pak si Malcolm Brogdon ng isang tiebreaking 16-footer sa huling 18 segundo at kumamada si T.J. Warren ng 28 points para ihatid ang Indiana Pacers sa 116-114 pagtakas laban sa Minnesota Timberwolves.

Ito ang ikaapat na su­nod na arangkada ng In­dia­na kasama ang dalawa laban sa Minnesota sa na­karaang tatlong araw.

Nagbalik sa line-up ng Timberwolves si Two-time All-Star center Karl-Anthony Towns matapos umupo ng 15 games bunga ng kanyang sprained left knee at umiskor ng 27 points sa loob ng 28 minuto.

Sa Memphis, nagsalansan si Dillon Brooks ng 26 points, habang nagposte si Ja Morant ng 16 points at 8 assists sa 113-109 paglusot ng Grizzlies kontra sa Cleveland Cavaliers

Ito ang pang-pitong su­nod na pananalasa ng Mem­phis.

vuukle comment

HEAT

THUNDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with