^

PSN Palaro

Lady Chiefs, Lady Blazers nagparamdam agad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napasuko ng nagdedepensang Arellano University ang Lyceum of the Philippines University sa pamamagitan ng 27-25, 25-20, 25-20 upang magarbong simulan ang kampanya nito kahapon sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Bumanat ng husto si back-to-back Finals MVP Regine Arocha nang magpasabog ito ng 18 puntos – lahat galing sa attacks – kasama pa ang siyam na receptions at walong digs para dalhin ang Lady Chiefs sa 1-0 panimula.

Sa kabila ng panalo, hindi masaya si Arellano head coach Obet Javier sa inilaro ng kanyang mga bata.

“Sa practice namin hindi ganun ang ini-ensayo namin. First game jitters buti na lang naovercome ng mga bata yung pressure,” ani Javier.

Nagdagdag naman si Carla Donato ng 12 puntos kabilang ang pitong blocks habang umiskor sina Alyana San Gregorio at Mikaela Juanich ng tig-anim na puntos para tulungan ang Lady Chiefs.

Napilitan din si Javier na gamitin si reigning MVP Necole Ebuen na galing sa operasyon. Ngunit nalimitahan si Ebuen sa tatlong puntos lamang – malayo pa sa kanyang dating nakagawiang double-digit output.

“Galing siyang operation. Hindi pa dapat talaga gagamitin (si Necole) pero napilitan akong gamitin,” dagdag ni Javier.

Nakagawa ang Lady Chiefs ng 24 errors ngunit masuwerte itong nakabawi sa attack line matapos magsumite ng 41 hits laban sa 31 lamang ng Lady Pirates.

Nanguna sa hanay ng Lyceum si Alexandra Rafael tangan ang 12 puntos habang naglista naman ng tig-siyam sina Mary Joy Onofre at Joan Doguna.

Sa ikalawang laro, namayani ang College of Saint Benilde sa University of Perpetual Help System Dalta sa bisa ng 25-17, 14-25, 25-17, 25-20 desisyon para saluhan ang Arellano sa unahan ng standings hawak ang 1-0 marka.

Bagsak ang Lyceum at Perpetual Help sa 0-1. 

vuukle comment

NCAA SEASON 95

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with