‘Order of Lapu-Lapu’ iginawad ni duterte sa national team
MANILA, Philippines — Sa pagsungkit sa ikalawang pagkakataon sa overall championship trophy sa katatapos lang na 30th Southeast Asian Games, ginawaran ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kahapon ang 1,115-man Team Philippines ng “Order of Lapu Lapu” honor.
Ito pa lamang ang unang pagkakataon na ibinigay ang nasabing prehistiyosong medal sa mga bayani ng bansa sa larangan ng sports dahil mga military personnel ang palaging nakakatanggap sa nasabing medalya.
Sa pangunguna nina Team Philippines Chef de Mission at Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez, Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino at Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) chairman Speaker Alan Peter Cayetano, tinanggap ni Pangulong Duterte ang mga nag-medalyang atleta sa isinagawang 2019 SEA Games sa Rizal Hall ng Malacañang Palace.
Bukod sa medal of honor, natanggap din ng mga atleta ang kanilang cash incentives na nagkakahalaga ng P300,000 para sa mga gold medalists, P150,000 sa mga silver medalists at P60,000 sa mga bronze medalists alinsunod sa Republic Act 10699 na tinaguriang “Expanded National Incentives Act na naging batas noong 2015.
“We are lucky to have a president who support us fully and has a big heart for our athletes,” ani Ramirez na siya rin ang PSC chairman at Chef de Mission nang masungkit ng Team Philippines sa unang pagkakataon ang overall title noong 2015.
“When we came in, the athletes received on P5000 meal allowance. Now on top of that they also get P25,000 worth of nutrition support monthly. These investments on the national team paid handsomely by the landslide win of Team Philippines in the SEAG and “hopefully an Olympic gold soon,” ani Ramirez.
Nauna rito binigyan din ng POC ang mga gold medalists ng mahigit P200,000 at P50,000 sa mga silver medalists at P30,000 sa mga bronze medalists sa isang seremonya noong Martes sa Conrad Hotel sa Pasay City.
- Latest