Gilas Pilipinas asam ang win no. 2
MANILA, Philippines — Mas paiigtingin ni head coach Tim Cone ang kanilang depensa at mas agresibong opensa sa pagharap kontra sa Vietnam ngayon sa pagpapatuloy ng basketball event sa 30th Southeast Asian Games sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa una nilang laro, tinambakan ng all-professional Gilas Pilipinas ang Singapore, 110-58, ngunit hindi pa kuntento si coach Cone sa ipinakita ng Filipino team.
Tiyak ang ikalawang sunod na panalo ng Gilas laban sa mga Vietnamese sa alas-8:15 ng gabi pagkatapos ng women’s game sa pagitan ng Thailand at Malaysia sa alas-6 ng gabi.
Maghaharap din ang Cambodia at Malaysia sa alas-2:15 ng hapon habang magtatagpo naman ang Myanmar at Singapore sa alas-12 ng tanghali.
“We’re a little bit herky-jerky. We weren’t smooth offensively. We had to make an adjustment at halftime. I don’t think we’ve played our best basketball (against Singapore). I feel like our guys came out and took a serious approach. I think they’re trying to show the country that they’re gonna take a serious approach and respect the game. When you respect the game, you respect your opponent,” sabi ni Cone.
Unang naging head coach si Cone sa national team noong 1998 Asian Games sa Bangkok, Thailand kung saan tumapos sila sa ikatlong puwesto.
Sa panalo ng Thailand kontra sa Indonesia, 98-76, pinaghandaan na rin ni coach Cone ang parating na laban kontra sa mga Thais.
- Latest