^

PSN Palaro

Team Philippines hataw pa rin sa ginto

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

SUBIC, Philippines —  Sa ikalawang pagkakataon ay muling ipinatugtog ni gymnast Carlos Edriel Yulo ang Philippine National Anthem sa apat na sulok ng Rizal Memorial Complex

Pinangunahan ng world gymnastics champion ang arangkada ng Team Philippines para manatiling hawak ang overall leadership sa Day Three ng 30th Southeast Asian Games kahapon.

Nagdagdag naman ng limang gintong medalya ang mga Pinoy sanda figh­ters sa wushu competition habang inangkin ng mga arnisador ang overall title.

Matapos pagharian ang all-around event ng men’s artistics gymnastics noong Linggo ay kinopo naman ng 19-anyos na si Yulo ang gold medal sa floor exercise at kumuha ng silver sa pommel horse.

Ang limang ginto sa sanda event ng wushu ay mula kina Divine Wally, Jessie Aligaga, Arnel Mandal, Francisco Solis at Cle­mente Tabugara Jr.

Kinumpleto ng mga Pinoy ang pagdomina sa arnis event nang hakutin ang kabuuang 14 gold, 4 silver at 2 bronze medals.

Nabigo naman ang mga Pinoy sa women’s team event sa badminton na pinagreynahan ang Thailand laban sa Indonesia, 3-1.

Wala ring nakamit na gintong medalya ang mga Nationals sa weightlifting matapos bumuhat ng pilak si Margaret Colonia (189 kg) sa women’s 59kg division at tanso si Nestor Colonia (287 kg) sa men’s 67kg category.

Nauna nang inangkin ni 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ang gold medal sa women’s 55kg class noong Lunes para sa kanyang kauna-unahang ginto sa SEAG.

Sa kurash event, tumapos ang bansa na may isang ginto, dalawang pilak at apat na tansong medalya sa kompetisyong pinagha­rian ng Vietnam na may 7-1-2 medals.

Nakatakdang pakawalan ngayon sa Day Four ang mga events sa men’s at women’s basketball, swimming at judo.

Sasagupain ng Gilas Pilipinas ang Singapore ngayong alas-8:15 ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Pitong gold medals naman ang nakataya sa swimming pool sa New Clark City sa Capas, Tarlac at babanderahan ni Filipino-Japanese Kiyomi Watanabe ang mga national judokas sa judo event sa Laus Group Events Center sa San Fernando, Pampanga.

vuukle comment

CARLOS EDRIEL YULO

GILAS PILIPINAS

TEAM PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with