^

PSN Palaro

Gold target ng Team lakay

Pilipino Star Ngayon
Gold target ng Team lakay
Isa si Gina Iniong ang sasandigan ng Team Lakay

 MANILA, Philippines — Ang pagkopo sa gintong medalya ang puntirya ng tatlong miyembro ng Team Lakay ng Baguio City sa kanilang pagsabak sa 2019 Southeast Asian Games.

Sasandig sina Jerry Olsim, Jean Claude Saclag at Gina Iniong sa kanilang malalim na eksperyensa para pangunahan ang eight-man kickboxing national team.

May 6-1 mixed martial arts record si Olsim na sasabak sa featherweight division habang paborito naman si Saclag, dating world champion sa wushu sanda, sa kanyang dibis­yon.

Si Saclag ang nag-uwi ng silver medal sa under 60 kg men’s wushu sanda ng 17th Asian Games na idinaos sa Incheon, South Korea at lumipat sa kickboxing para palakasin ang kampanya ng bansa sa 2019 SEA Games.

Si Iniong ay isang six-time national wushu champion at kasalukuyang lumalaban sa women’s a­tomweight division ng ONE Championship.

Taglay ni Iniong ang kanyang professional mixed martial arts record na 8-4. Nagsanay ang tatlong Team Lakay mainstays sa Taiwan at Cambodia bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa biennial event.

“Malakas ang mga kalaban pero ready kami. Pinaghandaan namin ito at siyempre ayaw na­ming mapahiya sa harap ng ating mga kababayan at mga fans ng MMA,” wika ni Iniong.

Si coach Mark Sangiao, kilala sa mundo ng wushu at mixed martial arts, ang nagsasanay sa Philippine national kickbo­xing team.

vuukle comment

TEAM LAKAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with