Romero, polo team asam ang sweep sa SEA Games
MANILA, Philippines — Bagama’t matitindi ang mga kalaban mula sa Brunei, Malaysia at Singapore ay kumpiyansa naman si Rep. Mikee Romero ng Team Philippines sa ilalaro ng national polo team sa darating na 30th Southeast Asian Games.
Dalawang gintong medalya ang paglalabanan sa dalawang polo competition na gagawin sa Calatagan, Batangas.
“Our rivals are tough but we are prepared for the challenges that will come our way,” sabi ni Romero. “But whatever happens, we have to cherish this moment since this is the first time in decades that we have this kind of tournament of this magnitude.”
Ang naturang kompetisyon na pinamamahalaan ng Philippine National Federation of Polo Players (PNFPP) ay inaasahang magkakaroon ng ‘star power’ sa paglahok ng mga royalties, tycoons at high government officials ng lahat ng participating countries.
Si Romero ay nakasama ng mga miyembro ng national team na nagsanay ng dalawang linggo sa Buenos Aires, Argentina.
Hindi nakumpleto ni Romero ang nasabing two-week training matapos siyang mahulog sa kanyang kabayo sa pang-walong araw at halos hindi makalakad ng diretso sa loob ng dalawang araw.
“Everybody is excited so we have to put up a show and try to help the country attain its ultimate goal of winning the overall championship,” dagdag ni Romero, maglalaro sa 0-2 goals event sa Disyembre 3.
Solidong suporta ang nakuha ng mga polo athletes mula sa Philippine Sports Commission para sa kanilang pagsasanay sa 2019 SEA Games.
- Latest