Tabora mainit agad ang simula
MANILA, Philippines — Humataw ang Filipina kegler na si Krizziah Tabora ng six-game series na 1194 pinfalls para pumasok sa ika-sampung puwesto sa pagbubukas ng 2019 Bowling World Cup International finals noong Lunes sa Palembang, Indonesia.
Si Tabora, kampeon sa naturang kumpetisyon sa ladies division noong 2017 sa Hermosillo, Mexico, ay umukit ng 199, 203, 211, 181, 208 at 192 para sa averaged na 100 pinfalls sa unang araw ng kumpetisyon.
Sa men’s division naman, pumalo ang 20-anyos na si Merwin Tan sa ika-23rd puwesto matapos ang kanyang 1198 sa anim na laro. Umani si Tan ng 183, 225, 210, 200, 191 at 189.
Inaasahang babawi pa si Tan sa mga susunod na laro dahil malakas ang kanyang tiwala makaraang tumapos bilang 11th sa kumpetisyon na ginanap sa Sam’s Town, Las Vegas, Nevada noong nakaraang taon.
Dinomina ni Francis Louw ng South Africa ang unang araw ng men’s division sa kanyang 1345 habang si Natasha Roslan ng Malaysia naman ang nagunguna sa ladies’ division sa 1306.
- Latest