Triple-double uli si James vs Bulls
CHICAGO -- Humakot si LeBron James ng 30 points, 11 assists at 10 rebounds para sa kanyang ikatlong sunod na triple-double at tinalo ng Los Angeles Lakers ang Bulls, 118-112.
Ito ang ikaanim na sunod na ratsada ng Lakers.
Bumangon ang Los Angeles mula sa 19-point deficit at unti-unting iniwanan ang Chicago sa fourth quarter.
Ngunit sa nasabing 16-0 atake ng Lakers sa pagsisimula ng final period ay nakaupo si James sa bench.
Sina Kyle Kuzma, Quinn Cook at Dwight Howard ang bumida sa nasabing pagbabalik ng tropa.
Sa Charlotte, humataw si Devonte Graham ng career-high 35 points at nagsalpak si Bismack Biyombo ng mahalagang puntos sa final canto para pamunuan ang pagbangon ng Hornets buhat sa 14-point, fourth-quarter deficit at resbakan ang Indiana Pacers, 122-120, sa overtime.
Sa Cleveland, dinuplika ni Gordon Hayward ang kanyang career high na 39 points tampok ang 16-of-16 shooting sa kanyang two-point attempts para ihatid ang Boston Celtics sa 119-113 paggiba sa Cavaliers.
- Latest