^

PSN Palaro

Easy, coach!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Denied ang petition ng University of the Philippines na bawasan ang three-game suspension na isinampal ng UAAP Commissioner kay coach Bo Perasol.

Ibig sabihin, tuloy ang sintensya.

Nagwala kasi si coach sa third quarter ng laban sa Ateneo noong isang Linggo.

May play o plays na walang tawag ang referee. Pu­mutok ang butsi ni coach. Nilusob ang referee.

Nandilat ang mga mata ni coach at umambang ba­banatan ang referee.

Mabuti na lang at may mga uma­wat.

Hindi naman ganoon si coach. Ewan ko kung ano ang nag-udyok sa kanya. Ayaw paawat. Kung binitiwan lang siya, eh mukhang lulusob talaga.

Thrown out agad si coach at habang palabas ng court ay parang pumapalag pa.

Natalo sa laro ang UP at ngayon ay wala silang head coach sa tatlong games.

Umpisa kahapon laban sa FEU, tapos ay UE at UST.

Start na ng second round. Maganda ang stan­ding ng UP at naghahangad umabot sa finals para makabawi sa pagka­talo last year sa Ateneo.

Umalma ang UP sa pag­kaka-deny ng appeal nila.

Sabi ng abugado nila, “misguided” daw ang UA­AP Commissioner sa de­sisyon nito at may “poor misunderstanding” daw ng rules.

Misguided na kung mis­guided ang Commissioner. Pero wala sana la­hat ito kundi nagwala si coach.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with