ASEAN Ministerial Meeting ngayon
MANILA, Philippines — Magpupulong ang mga sports ministers ng 10 miyembro ng Asean kasama ang Japan sa 5th ASEAN Ministerial Meeting on Sports (AMMS-5) na magsisimula ngayong araw sa Maynila.
Tatakbo ang programa ng limang araw sa pangunguna ni Philippine Sports Commission chief William Ramirez na siyang chairman ng AMMS-5.
Layunin ng pagpupulong na pagtibayin ang koneksyon ng mga bansang dadalo gayundin ang pagpapalakas sa sports program ng bawat bansa.
“This is another chance to connect with our neighbors and together strengthen the foothold of sports in the everyday lives of our people,” ani Ramirez.
Dadalo sina His Excellency Sar Sokha, Cambodia; Mr. Phouvanh Vongsouthi, Lao PDR; Mr. Tan Wei Ming, Singapore; Ahmad Shapawi Bin Ismail, Malaysia; His Excellency Aminuddin Ihsan Pehn Dato HJ Abidin, Brunei-Darussalam; Mr. Mya Than Htike, Myanmar; Mr. Kumekawa Hirokazu, Japan; Ms. Le Thi Hoang Yen, Vietnam; at His Excellency Phiphat Ratchakitprakarn. Thailand.
Ilan pa sa mga tatalakayin ay ang implementasyon ng regional projects at activities na nakasaad sa ASEAN Work Plan on Sports for 2016-2020, ang ASEAN bid sa FIFA World Cup at pagtataguyod ng eSports SEA Foundation.
Idaraos sa unang pagkakataon bukas ang ASEAN plus Japan Meeting on Women and Sports at ang 2nd ASEAN Plus Japan SOMS.
Kasama rin ang mga delegado ng UNESCO, SEARADO, FIFA, UN Women, ASEAN Chess Federation, ASEAN Para Sports Federation, ASEAN Football Federation at Right to Play Thailand Foundation.
- Latest